Mga nasunugan sa QC binigyan tulong ni Mayor Joy Belmonte
By Chona Yu June 09, 2022 - 10:54 AM
Tumanggap ng tulong pinansiyal ang 16 pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Barangay Tatalon, Mariblo at San Vicente, pawang sa Quezon City.
Tig-P10,000 ang ibinigay ni Mayor Joy Belmonte sa mga may-ari ng mga nasunog na bahay, samantalang P5,000 naman sa mga naapektuhang umuupa.
Una nang nabigyan ng material assistance at food packs ang mga biktima.
Tiniyak ng opisyal na laging handang umagapay ang pamahalaang-lungsod sa mga mangangailangang residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.