PBBM Jr. dadalo sa APEC Summit sa Thailand sa Nobyembre

By Jan Escosio June 08, 2022 - 09:46 AM

Tinanggap na ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,    ang imbitasyon na dumalo sa binabalak na face-to-face Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand sa darating na Nobyembre 18 – 19.

Nabatid na personal na inimbitahan si Marcos ni Thai Chargé d’ Affaires Thawat Sumitmo, bilang kinatawan ng Thailand, na siya naman tumatayong chairperson ng APEC.

Ipinaabot kay Marcos ang imbitasyon sa pagbisita ni Sumitmo at ng iba pang ASEAN leaders sa susunod na pangulo ng bansa noong nakaraang Lunes.

Magugunita na ang huling face-to-face APEC Summit ay naganap noon pang 2018, dahil noong 2019 nakansela ito bunga naman ng malawakang protesta sa Chile.

Samantalang, naging virtual na lamang ang sumunod na pagpupulong noong 2020 at 2021 dahil sa global health crisis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.