SP Tito Sotto handang tumulong sa ‘anti-drug campaign’ ni PBBM

Senate PRIB Photo

Ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III na napag-usapan nila ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang istratehiya sa kampaniya laban sa lahat ng uri ng ilegal na droga.

Sinabi ni Sotto na nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap ni Pangulong Marcos noong Mayo 28.

Tumanggi naman si Sotto na magbigay pa ng karagdagang detalye ukol sa kanilang napag-usapan sa katuwiran na hayaan na lamang si Pangulong Marcos ang magsapubliko ng detalye ng kanilang pribadong pag-uusap.

Ayon kay Sotto, tiniyak na lamang niya na maasahan ang kanyang tulong sa kampaniya laban sa droga ng papasok na administrasyon.

Dagdag pa nito, walang inalok sa kanya na posisyon sa administrasyong Marcos Jr.

Read more...