PBBM idineklara sa Comelec ang higit P623-M ginastos sa kampaniya
Nagsumite na sa Commission on Elections (Comelec) si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Idineklara ni Marcos na P623,230,176.68 ang kanyang nagasta sa P624,684,320.09 na kanyang natanggap mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at sa iba pang ‘sources.’
Sa kabuuang halaga, nagastos ang P373,250,000 cash contributions na mula sa hindi na tinukoy na ‘other sources’ base sa isinumiteng SOCE.
Nangangahulugan naman na may natira na P1,454,143.41 at hindi pa alam kung ano ang gagawin dito ng kampo ni Marcos.
Una nang naghain ng sariling SOCE ang PFP at idineklara na P272 milyon ang nagasta para sa pangangampaniya ni Marcos.
Sa mga sumabak sa presidential race, unang naghain ng kanyang SOCE si Sen. Panfilo Lacson, sumunod si Jose Montemayor.
Gayundin, naghain na ng SOCE ang mga tumakbo sa pagka-senador, Guillermo Eleazar, Antonio Trillanes IV, Chel Diokno at Jinggoy Estrada.
Samantala, 34 partylist groups ang nagsumite na rin ng kanilang SOCE sa Comelec.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.