Bilang ng nasawi dahil sa COVID-19, higit 6.32 milyon na

AFP photo

Lagpas 6.32 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,321,795 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,033,830.

Sumunod na rito ang Brazil na may 667,106 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 524,708 naman ang death toll sa India habang 379,657 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 325,017
– Peru – 213,269
– United Kingdom – 178,866
– Italy – 167,019
– Indonesia – 156,622
– France – 148,464
– Iran – 141,332

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 536,025,817 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 507,178,599 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...