Inflation, mahigpit na binabantayan ng Palasyo

By Chona Yu June 07, 2022 - 02:56 PM

Mahigpit na minamatyagan ng Palasyo ng Malakanyang ang 5.4 inflation na naitala noong buwan ng Mayo o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ang pagtaas ng presyo ng langis ang pangunahing dahilan kung kaya sumirit ang inflation.

Pero ayon kay Andanar, may ginagawa ng hakbang ang pamahalaan para maayudahan ang publiko.

Halimbawa na ang fuel subsidy o pagbibigay ng pinansyal na ayuda para sa mga tsuper at operator,

Mayroon din aniyang Service Contracting Program o ang Libreng Sakay kung kaya makalilibre sa pamasahe ang mga pasahero.

Sinabi pa ni Andanar na pinalawig na rin ng hanggang June 30,2022 ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Bukod sa mga ayuda, sinabi ni Andanar na inaprubahan na rin ng Regional Tripartite Wage Board ang pagtatas ng P33 sa minimum wage ng mga manggagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

TAGS: Inflation, InquirerNews, MartinAndanar, RadyoInquirerNews, Inflation, InquirerNews, MartinAndanar, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.