Pangulong Duterte, wala pang schedule na bumisita sa Mt. Bulusan

By Chona Yu June 07, 2022 - 02:50 PM

Photo credit: Sorsogon PIO

Wala pang schedule si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, mas makabubuting hintayin na lamang na maglabas ng abiso si Undersecretary Mia Lucas na tagapangasiwa ng Media Accreditation and Relations Office (MARO) ng Malakanyang.

Nasa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan matapos mag-alburuto noong Linggo, Hunyo 5.

“Hintayin natin na maglabas ng advisory ang tanggapan ni Usec. Mia ng MARO. At habang tayo ay naghihintay, puwede rin nating tanungin ang iba pang mga contacts natin, perhaps sa Office of the President. But I don’t have any information with me right now,” pahayag ni Andanar.

TAGS: Bulusan, Bulusan eruption, Bulusan response, Bulusan visit, InquirerNews, MartinAndanar, president duterte, RadyoInquirerNews, Bulusan, Bulusan eruption, Bulusan response, Bulusan visit, InquirerNews, MartinAndanar, president duterte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.