Phivolcs: Pagyanig sa Mt. Bulusan, nagpapatuloy pa

By Jan Escosio June 07, 2022 - 02:41 PM

Photo credit: Sorsogon PIO

Nakapagtala pa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng pitong volcanic earthquakes sa Mt. Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang sa nai-record ng Phivolcs ang 150-meter high na pagbuga ng usok.

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 1 ang naturang bulkan sa Sorsogon at resulta ito ng nangyaring ‘phreatic eruption’ noong Linggo ng umaga, Hunyo 5.

Nangangahulugan ito na nagpapatuloy ang banta pa rin ng pagsabog dahil sa mga naitatalang volcanic quakes at pag-usok

Sinabi ni Phivolcs chief Renato Solidum Jr., ang nangyari noong Linggo ay katulad noong 2017.

Dagdag pa nito, sa nakalipas na mahigit isang siglo, walang nangyaring ‘magmatic eruption’ sa Mt. Bulusan.

TAGS: Bulkang Bulusan, Bulusan, Bulusan eruption, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, volcanic earthquake, Bulkang Bulusan, Bulusan, Bulusan eruption, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.