MMDA: Monumento sa Caloocan City isasara para sa June 12 Independence Day celebration

 

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang Bonifacio Monument Circle sa Caloocan City pagpasok ng hatinggang ng Hunyo 12.

Ito ay upang bigyan daan ang gagawing selebrasyon kaugnay sa ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Base sa anunsiyo ng MMDA, ilang bahagi ng McArthur Highway, Samson Road, Rizal Avenue at EDSA ay isasara din sa trapiko.

Nagtalaga naman ng mga alternatibong madadaanan ang MMDA para sa mga maapektuhang motorista.

-Ang mga sasakyan na magmumula sa Sangandaan / Samson Road na patungo sa EDSA at Maynula ay maaring dumaan sa Heroes del 96 St., kumaliwa sa 10th Avenue  patungo sa kanilang destinasyon.

-Ang mga magmumula naman sa Rizal Avenue patungo sa McArhur Highway ay maaring kumaliwa sa 10th Avenue, kanan sa Heroes del 96 St., kanan sa Samson Road kaliwa sa Dagohoy, kaliwa sa Caimito Road, at kanan sa Langka street.

-Ang mga patungo sa EDSA ay maari din dumaan sa 10th Avenue, kaliwa sa B. Serrano patungo sa EDSA.

-Ang mga sasakyan na patungo sa Samson Road mula sa EDSA ay maaring kumanan sa McArthur Highway, kaliwa sa Gen. Pascual St., patungo sa kanilang destinasyon.

-Sa mga patungo sa Rizal Avenue at Samson Road mula sa McArthur Highway ay maaring dumaan sa Gen. Pascual patungo sa destinasyon at ang mga patungo naman sa EDSA ay dadaan sa ‘zipper lane’ ng Northbound, kaliwa sa 8th St., at kaliwa sa kanilang destinasyon.

Agad naman bubuksan ang mga isasarang kalsada pagkatapos  ng selebrasyon.

Read more...