Anim na taong panunungkulan ni Pangulong Duterte naging mabunga
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maging mabunga at produktibo ang anim na taong panunungkulan sa Malakanyang.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na nagawa niya ito sa tulong ng lahat ng sektor para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bata.
“Sa — to the people of the — of my country, the Philippines. It was a fruitful and productive journey all these years, with the help of people of all — lahat na sectors who I thought early on who can help me build a better future for our children,” pahayag ng Pangulo.
“Me? Maraming-maraming salamat sa inyong pagbigay ng tiwala sa akin. At we are going to retire, but I will be just in Davao. And if there’s a compelling need for me to talk, I will do it,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na wala siyang ibang hinangad kung hindi ang mapabuti ang bansa.
“But ang aking ano is — my drift is just really to retire quietly. No more politics for me. And all that I aspire, all that I want is a better country for this generation and especially for the next generation,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.