Ikinukunsidera ni Senator Christopher Go na muling ihain sa 19th Congress ang panukala para makapagpataw muli ng parusang kamatayan sa bansa.
Nilinaw lamang nito na ang nais niyang mapatawan ng death penalty ay mga nilitin sa karumal-dumal na krimen, kasama na ang pandarambong o plunder.
Sa nagtapos na 18th Congress, inihain ni Go ang Senate Bill No. 207 na layon maibalik ang ‘capital punishment’ sa bansa ngunit hindi ito nakalusot.
“Anyway we can file it again if we want, itong SB 207, reinstating the death penalty for certain heinous crimes involving dangerous drugs and plunder,” aniya.
Pagdidiin niya ang balakin ay kaugnay sa naging krusada ni Pangulong Duterte laban sa mga ilegal na droga, kriminalidad at korapsyon.
“Kapag bumalik ang droga babalik na naman ang korapsyon at kriminalidad. Kapag hindi takot yung tao sa mga awtoridad, makokorap na naman. Sayang po ‘yung inumpiashan no Pangulong Duterte,” sabi pa ni Go.