Sens. Migz Zubiri, Chiz Escudero dinipensahan si Sen. Robin Padilla

By Jan Escosio June 07, 2022 - 09:54 AM

Kapwa ipinagtanggol nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator-elect Francis Escudero si Senator-elect Robin Padilla sa inaasahang pamumuno nito sa Committee on Constitutional Amendments.

Ayon kay Zubiri hindi naman agad dapat kinukuwestiyon ang kakayahan ni Padilla na pamunuan ang naturang komite at aniya alam niya ay naghahanda naman ang baguhang mambabatas.

Paliwanag pa nito, wala naman nakasaad sa Senate Rules na dapat ay may angkin na partikular na kuwalipikasyon para pamunuan ang isang komite sa Senado.

Binanggit nito na bagamat hindi abogado, pinamunuan ni Sen. Grace Poe ang Blue Ribbon Committee at naging maayos naman ang pamumuno niya.

Samantala, ayon naman kay Escudero, pantay-pantay ang lahat ng mga senador at maaring pamunuan ang isang komite.

Paliwanag niya ang pamumuno ng senador sa komite ay base sa botohan sa mayorya.

“No senators should be discriminated upon and should solely be judged by his/her performance after serving as such,” sabi nito.

Dagdag pa ni Escudero; “ Sen. Padilla is as qualified as any senator elected to serve as such to chair any committee that the majority decides to elect him to.”

TAGS: Francis Escudero, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla, Francis Escudero, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.