Escudero, binisita ang mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan

By Angellic Jordan June 06, 2022 - 09:20 AM

Photo credit: Sorsogon PIO

Binisita ni outgoing Sorsogon Governor at ngayo’y Senator-elect Chiz Escudero ang mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Nasa 53 pamilya o 173 indibiduwal ang nananatili sa evacuation center ng Tughan Elementary School sa bayan ng Juban.

Ipinamahagi ni Escudero, kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office, ang food packs, beddings, hygiene kits at iba pang basic na pangangailangan ng mga bakwit.

Photo credit: Sorsogon PIO

Matatandaang nagkaroon ng phreatic eruption ang naturang bulkan, Linggo ng umaga (Hunyo 5).

Patuloy namang binabantayan ng Phivolcs ang aktibidad ng Bulkang Bulusan.

TAGS: Bulusan, Bulusan eruption, chiz escudero, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Tughan Elementary School, Bulusan, Bulusan eruption, chiz escudero, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Tughan Elementary School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.