DOH hihirit sa Marcos admin na ituloy ang alert level system para sa COVID-19
Irerekomenda ng Department of Health sa administrasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ituloy ang umiiral na alert level system sa COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang alert level system ang nagbibigay ng safeguard at giya sa pamahalaan para tugunan ang pandemya.
Ayon kay Vergeire,irerekomenda rin ni Health Secretary Franciscco Duque III na paigtingin pa ang kampanya sa pagpapabakuna.
Bumuo na aniya ng transition committee ang DOH para sa ilatag kung anong mga programa ang dapat na bigyang prayoridad ng susunod na administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.