Death penalty itutulak ni Senador Bong Go

Tiniyak ni Senador Bong Go na muli niyang ihahain sa 19th Congress ang panukalang batas na ibalik ang parusang kamatayan para sa mgma kasong illegal drugs at plunder.

Ayon kay Go, campaign promise kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan para sa mga sangkot sa illegal na droga.

Una nang inihain ni Go ang Senate Bill 207 na nagpapataw ng death penalty subalit hindi nakalusot sa Senado.

Sinabi pa ni Go na kung hindi papatawan ng kamatayan, hindi matatakot ang mga sangkot sa illegal na droga at ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Sa panukala ni go, dapat patawan ng kamatayan ang mga opisyal ng gobyerno na masasangkot sa kasong plunder o pagnanakaw ng mahigit P50 milyon.

Read more...