WATCH: LTO chief: Tuloy ang paglalagay ng sticker number sa harapan ng motorsiklo
Ibinahagi ni Land Tranportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante na may mga grupo na patuloy na hinihiling na hindi matuloy ang paglalagay ng plate number sa harapan ng motorsiklo.
Ngunit, iginiit ng opisyal na susunod lamang sila sa nakasaad sa Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Paglilinaw din nito, hindi plate number na gawa sa lata kundi sticker number lamang ang ididikit sa harapan ng motorsiklo kayat aniya, walang basehan ang pangamba ng mga rider na delikado na tamaan sila kung matatanggal ang inaakala nilang plate number.
Ayon pa kay Galvante, tanging ang pag-amyenda na lamang sa probisyon ng nabanggit na batas ang makakapigil sa kanila para hindi ituloy ang produksyon ng mga sticker number.
Pag-amin naman ng opisyal na milyun-milyon pa rin ang backlog nila sa plate number ng mga motorsiklo bagamat pagtitiyak nito na gumagawa na sila ng paraan para mapabilis ang produksyon.
Panoorin ang pahayag ni Galvante:
WATCH: LTO Chief Edgar Galvante sa isyu ng plaka sa harapan ng motorsiklo: “Kami ay susunod lamang sa nakasaad sa RA 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.” | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/FRzUdRH9W2
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 3, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.