Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinangunahan kanina ni Acting Mayor Kid Pena ang flag-raising ceremony sa Makati City Hall mula ng maitalagang acting mayor.
Sa flag-raising, iginiit ni Pena na hindi sya benggatibong tao at hindi sya nag-aambisyon. Ang nais lamang nito aniya ay makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mamamayan ng lungsod ng Makati. “Inaamin ko na nangangarap ako na mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga residente ng Makati,” ayon kay Pena.
Samantala ay nakatakdang manumpa ngayon araw na ito bilang Acting Vice Mayor si Councilor Leo Magpantay sa Makati. Manunumpa si Magpantay kay Makati Regional Trial Court Judge Ronaldo Moreno. Si Magpantay ay halal na first councilor ng District 2 ng lungsod.
Hindi naman malinaw kung maayos at legal ang magiging oath-taking dahil nauna ng sinulatan ni Pena si Makati Councilor Virgilio Hilario na umupo bilang acting vice mayor./Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.