Nabalot ng tensyon ang Malabon City Hall matapos makatanggap ng bomb threat.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), pasado 7:00, Huwebes ng umaga (June 3), nang makatanggap ng impormasyon ang Malabon City Police Station na may bomba umano.
Agad naman na nagpadala ng SWAT team sa lugar.
Matapos ang ilang minutong inspeksyon, nabatid na wala namang bombang nakatanim sa City Hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.