PNP, NBI maghanda na sa malawakang reshuffle-Duterte

 

Maghahatinggabi na nang humarap sa mga mamamahayag si presumptive president-elect Rodrigo Duterte sa Davao City.

Tumagal ng pasado alas- 2:00 ng madaling araw ang pagsagot ni Duterte sa mga tanong ng mga mamamahayag na paminsan-minsan ay hinahaluan nito ng biro at mura.

Gayunman, bagamat kahit tapos na, tuloy pa rin sa pagsagot sa mga katanungan ang alkalde.

Unang tinugunan ni Duterte ang isyu ng trahedya sa Close-Up concert sa Pasay City Mall of Asia kung saan may lima katao ang nasawi.

Ikinagalit ng alkalde ang naturang insidente at sinisi ang mga otoridad dahil sa pagkabigo ng mga itong makakalap ng maayos na ‘intelligence’ na pipigil sana sa naturang pangyayari.

Binalaan din ng president-elect ang mga alagad ng batas at maging mga opisyal ng pamahalaan at NBI mga heneral na maghanda sa isasagawang reshuffle sa kanilang hanay sa oras na maupo na siya sa puwesto.

Dadaan din aniya ang mga opisyal ng gobyerno sa mandatory drug test at siya pa ang mauuna sa proseso.

Matapos nito, nilinaw naman ni Duterte sa mga media na huwag seryosohin ang lahat ng kanyang mga sinasabi.

Paliwanag ni Duterte, sinusulit na niya ang kanyang mga nalalabing panahon bago umupo bilang Pangulo.

Nangako rin itong sa oras na maluklok sa puwesto, babawasan na nito ang pagbibiro at ang pagmumura.

Napag-initan din ni Duterte sina incoming senator-elect Leila De Lima at CHR commissioner Chito Gascon.

Sinisi ni Duterte si De Lima dahil sa kanyang termino umano bilang Justice Secretary nagsimulang dumami ang mga kaso ng droga sa bansa.

Galit namang iginiit ni Duterte na sablay ang CHR nang sabihin nitong nilabag ng alkalde ang Magna Carta for Women nag magbitiw siya ng biro ukol sa panggagahasa at pagpatay sa isang dayuhang misyonaryo.

Aniya, hindi nag-aaply ang naturang batas at hindi na dapat ipilit ng CHR ang naturang usapin.

Read more...