COVID-19 cases sa mundo, higit 534 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 534 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 534,235,940 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 86,271,283 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,169,599 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 31,101,290 naman ang kaso sa Brazil habang 29,570,762 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,469,531
– United Kingdom – 22,305,893
– Russia – 18,339,776
– South Korea – 18,141,835
– Italy – 17,457,950
– Turkey – 15,072,747
– Spain – 12,360,256
– Vietnam – 10,722,634

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,317,638 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 505,159,409 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...