DPWH, magsasagawa ng weekend road reblocking at repair sa NCR
Abiso sa mga motorista.
Ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang sasailalim sa reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang weekend road repair bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Hunyo 3).
Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Santolan SB San Juan City innermost lane (Bus way) mula V.V. Soliven Driveway hanggang Rochester Street
2. EDSA Quezon City NB sa harap ng Cubao Farmers 2nd lane mula sidewalk (bus lane) t Aurora Blvd. pagkatapos ng Kamuning intermittent section
3. C-5 Road NB (1st lane) pagkatpos ng Mckinley Road Makati City
4. C-5 Road SB (2nd lane) Makati City
5. Tandang Sora Ave. Quezon City Visayas Avenue hanggang San Miguel St.
6. Times Street Quezon City corner West Ave. sa harap ng Kowloon House
7. Commonwealth Ave. Quezon City Zuzuareggui St. hanggang sa harap ng Diliman Preparatory School (1st Lane mula sa sidewalk)
8. EDSA SB Quezon City sa bahagi ng Service Road 2nd block ng Timog Ave. intersection Service Road 2nd Block ng Kamuning Road intersection at Service Road 2nd Block corner Kamuning Road
9. C.P. Garcia Avenue Quezon City sa harap ng U.P. Ayala TBI (1st block mula sa sidewalk)
10. C-5 Road Pasig City sa bahagi ng Pasig Blvd. Southbound sa harap ng Botikang Pinoy at sa bahagi ng Doña Julia Vargas Westbound malapit sa Sitel Building
Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Hunyo 6).
Payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.