Digital connectivity, pinatutukan ni PBBM sa DICT

By Chona Yu June 03, 2022 - 02:56 PM

Tutukan ni incoming Information and Communication Technology Secretary Ivan John Uy ang digital connectivity sa bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Uy na mayroong marching order si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutukan ang digital connectivity lalo na sa mga liblib na lugar sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Sa ganitong paraan kasi aniya, mabibigyan ng access ang publiko lalo na ang mga lugar na hindi kayang abutin ng internet.

“Alam ninyo po ang Pilipinas ay archipelago at napakaraming mga isla, wala pang access to the world wide web, at ito po ay dapat i-prioritize po natin. So, that’s one of the marching orders po,” pahayag ni Uy.

Pinatutukan din aniya ni Marcos ang e-governance sa bansa.

“Ito po ay upang mapasimple ang mga transaksyon ng ating mga mamamayan sa mga access to government services. So we are looking at streamlining, reducing red tape and minimizing iyong mga pila-pila po sa mga iba-ibang opisina ng gobyerno, mag-a-absent sa trabaho upang makakuha lang ng certification, ng clearance or gagawa ng mga applications sa government offices,” pahayag ni Uy.

TAGS: dict, digital connectivity, Ferdinand Marcos Jr., Ivan John Uy, PBBM, dict, digital connectivity, Ferdinand Marcos Jr., Ivan John Uy, PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.