PNP nakaalerto na sa inagurasyon ni PBBM at Sara Duterte
Pinaigting na ng Philippine National Police ang seguridad sa National Museum sa Maynila.
Ito ay matapos ianunsyo ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos jr. na sa National Museum gagawin ang inagurasyon sa June 30.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PNP spokesman Police Colonel Jean Fajardo na sa ngayon, wala namang namomonitor ang kanilang hanay na banta sa seguridad.
Ayon kay Fajardo, bagamat walang banta sa seguridad, hindi pa rin magpapaka-kumpiyansa ang PNP.
Tuloy aniya ang intelligence monitoring at gathering ng PNP.
Kasabay nito, sinabi ni Fajardo na naghahanda na rin ang mga pulis sa Davao City para naman sa inagurasyon ni incoming vice President Sara Duterte-Carpio sa June 19.
Ayon kay Fajardo, mayroon nang mga Security Task Groups na binuo ang PNP para sa inagurasyon ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.