P1.17-B fuel subsidy naibigay na sa 180,000 PUV drivers, operators

By Jan Escosio June 03, 2022 - 08:25 AM

 

Higit 180,000 operators at drivers ng public utility vehicles (PUVs) ang nabigyan na ng fuel subsidy, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Aabot sa P1.17 bilyon na ang nailabas para sa ayuda sa mga PUV drivers at operators  hanggang noong Miyerkules, Hunyo 1.

Bukod pa dito ang 9,552 drivers ng delivery services na nakatanggap na rin ng katulad na tulong-pinansiyal.

Nangako naman ang ahensiya na pabibilisin ang pamamahagi ng fuel subsidy sa natitira pang mga benepisaryo, na nasa 84,157 ang kabuuang bilang.

Nabatid na may 57,841 pangalan na ang ang naipadala sa Land Bank para maproseso ang kanilang subsidiya.

Ibinibigay ang tulong para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

TAGS: ayuda, driver, fuel subsidy, ltfrb, news, Radyo Inquirer, ayuda, driver, fuel subsidy, ltfrb, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.