Publiko, pinakakalma sa banta ng monkeypox

By Chona Yu June 02, 2022 - 09:38 PM

Reuters photo

Pinakakalma ng Philippine Medical Association (PMA) ang publiko sa banta ng monkeypox.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Benito Atienza, presidente ng PMA, na kailangan lamang ay maging alerto sa mga sintomas na mararanasan dahil baka ibang naman pala ito at hindi monkeypox.

Pwede rin kasing magkakatulad ang sintomas na maranasan sa monkeypox, COVID-19 at trangkaso tulad ng sakit ng ulo at lagnat.

Ayon kay Atienza, maiging magpa-check up agad sa doktor sakaling may maramdamang sintomas upang hindi na ito lumala pa at hindi magdulot ng pagkahawa ng iba.

Pinayuhan din ni Atienza ang publiko na ituloy lamang ang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at magkaroon ng maayos na ventilation sa bahay o sa opisina.

Maigi rin aniyang maging malinis lagi sa katawan at sa kapaligiran, habang kailangan din aniyang mag-ingat ang mga galing sa ibang bansa at tiyaking walang maipapasang sakit sa ating mga kababayan.

TAGS: Dr. Benito Atienza, InquirerNews, monkeypox, PMA, RadyoInquirerNews, Dr. Benito Atienza, InquirerNews, monkeypox, PMA, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.