TNCs, drivers binalaan ng LTFRB sa ‘fare overcharging’

By Jan Escosio June 02, 2022 - 08:37 PM

Dumadami na ang mga reklamo kaya’t binalaan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operators at drivers ng Transport Network Companies (TNCs) sa paniningil ng sobra sa pasahe.

Napadalhan na ng sulat ang isang TNC dahil sa mga reklamo na ilan sa kanilang drivers ang naniningil ng higit sa nakatakdang pasahe na naaprubahan para sa Transport Network Vehicles (TNVs).

Isa sa mga reklamo ay ang paniningil ng hanggang P1,000 para sa tinatawag na one-way ‘Priority Boarding Fee.’

Base sa fare structure, mula P30 hanggang P50 ang flagdown rate sa TNVs depende sa uri ng sasakyan at P15 dagdag sa bawat kilometro at P2 kada minuto sa biyahe.

Ibinahagi ng ahensiya ang plano na magpakalat ng ‘mystery riders’ para malaman kung sumusunod ang TNCs at TNVs operators sa itinakdang pasahe.

Ang mga mahuhuling lumalabag ay papatawan ng mga multa.

TAGS: InquirerNews, JoyRide, ltfrb, Priority Boarding Fee, RadyoInquirerNews, Transport Network Companies, InquirerNews, JoyRide, ltfrb, Priority Boarding Fee, RadyoInquirerNews, Transport Network Companies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.