P150 Million na halaga ng mga body scanners nakatiwangwang lang sa NAIA

By Chona Yu May 25, 2016 - 08:23 PM

naia
Inquirer file photo

Labing-apat na full body scanners na nagkakahalaga ng P150 Million ang nakatiwangwang lamang at hindi ginagamit ng Office for the Transportstion Security (OTS) sa Ninoy Aquino Internatiinal Airport (NAIA).

Nabatid na isang linggo lamang na ginamit ng OTS ang naturang full body scanners noong nakaraang taon para sa final security screening checkpoints sa apat na NAIA terminals.

Naulit lamang ang paggamit sa mga scanners nitong Marso nang mag inspeksyon si Transportstion Secretary Emilio Joseph Abaya.

Ayon kay OTS Assistant Administrator and Transport Security Risk Management Bureau Director Roberto Almadin hindi naituro sa kanila ang tamang pag-gamit sa naturang mga scanners.

Paliwanag ng opisyal, hiniling na nila sa local distributor ng German-made scanners na Defense and Protection System na magbigay ng training para sa security screening equipment.

Pero nabatid namana na nagbigay na ng training noon ang nasabing kumpanya pero inisnab lamang ito ng mga tauhan ng OTS.

Ayon sa isang personnel ng OTS na tumangging magpabanggit ng pangalan, sumasailalim na rin sa repair ang mga scanners subalit makalipas ang isa o dalawang araw ay sira na naman ang mga ito.

Dagdag pa ng nabanggit na OTS personnel na maaring kaya madalas masira ang mga scanners ay dahil nakalagay ito sa tabi ng walkthrough Metal detectors at x- ray scanning machine.

TAGS: Abaya, body scanners, NAIA, OTS, Abaya, body scanners, NAIA, OTS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.