Kabilang sa mga na-bypass ng CA dahil sa kawalan ng quorum sina Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan at mga commissioners na sina George Erwin Garcia at Aimee Neri, Commission on Audit (COA) chair Rizalina Justol at Civil Service Commission (CSC) chair Karlo Nograles.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, kinikilala ng Palasyo ang kapangyarihan ng CA.
Kung anuman aniya ang naging desisyon ng CA ay nirerespeto ito ng ehekutibo.
Dahil sa nabigo ang limang nabanggit na opisyal na makalusot sa CA, mananatili lamang sila sa kanilang posisyon hanggang sa June 30 o kapag natapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.