Pag-bypass ng CA sa limang opisyal na itinalaga ni Pangulong Duterte, iginagalang ng Palasyo
Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng Commission on Appointments na i-bypass ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang opisyal ng pamahalaan.
Kabilang sa mga na-bypass ng CA dahil sa kawalan ng quorum sina Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan at mga commissioners na sina George Erwin Garcia at Aimee Neri, Commission on Audit (COA) chair Rizalina Justol at Civil Service Commission (CSC) chair Karlo Nograles.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, kinikilala ng Palasyo ang kapangyarihan ng CA.
Kung anuman aniya ang naging desisyon ng CA ay nirerespeto ito ng ehekutibo.
Dahil sa nabigo ang limang nabanggit na opisyal na makalusot sa CA, mananatili lamang sila sa kanilang posisyon hanggang sa June 30 o kapag natapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.