WATCH: Grupong Sanlakas, nagprotesta para tutulan ang pagpopondo ng SMBC Group sa fossil fuel

By Chona Yu June 02, 2022 - 03:47 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Sanlakas sa Makati Central Post Office Fountain Park.

Ito ay para kalampagin ang kompanyang Japanese megabank na Sumitomo Mitsui Financial Group Group dahil sa pagpopondo sa fossil fuel.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa, Secretary-General ng Sanlakas, ang SMBC ang isa sa mga kompanya na pinakamalaking financiers ng fossil fuel.

Wala aniyang magandang naidudulot sa kalikasan at kalusugan ng tao ang fossil fuel.

Partikukar na pinapalagan ng grupo ang $109 bilyong pondo na ibinuhos ng SMBC sa dirty oil, gas at coal projects noong 2016 hanggang 2021.

Ginawa aniya ito ng SMBC sa kabila ng pagiging miyembro ng Net Zero Banking Alliance.

Ayon kay Pedrosa, nagsagawa rin ang kilos-protesta ang environmentalists sa Indonesia, India, at Bangladesh.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Pedrosa:

TAGS: Aaron Pedrosa, FossilFuel, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Sanlakas, Aaron Pedrosa, FossilFuel, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Sanlakas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.