Lumabas na ng Pasay City Jail ang dalawang executives ng Pharmally na ipinakulong ng Blue Ribbon Committee.
Pasado alas-9 ng umaga kanina nang makalabas na sina Linconn Ong at Dargani Mohit.
Sinabi ni Ferdinand Topacio, abogado nina Ong at Mohit, pag-aaralan nila kung bubuweltahan nila ng kaso si Sen. Richard Gordon.
Saad pa nito:
WATCH: Pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng dalawang opisyal ng Pharmally, ukol sa naging rekomendasyon ni Sen. Richard Gordon na isama si Pangulong Duterte sa mga masasampahan ng kasong plunder. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/BZlwa7uPk6
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 2, 2022
Nakulong ang dalawa sa Pasay City Jail noong nakaraang Nobyembre dahil sa kabiguan na magsumite ng mga hinihinging dokumento ng komite.
Dagdag pa ni Topacio magpapahinga muna ang dalawa kasama ang kanilang pamilya.
Magugunita na inimbestigahan ang Pharmally kaugnay sa napa-ulat na mga overpriced COVID 19 essentials.