Population growth ng bansa bumaba

Pinoy population
Inquirer file photo

Inanunsyo ng Commission on Population na naging matagumpay ang pamahalaan sa pagpapababa ng population growth rate sa bansa sa nakalipas na mga taon.

Kumpara noong 2010 kung saan ang Pilipinas ay mayroong 1.9-percent annual population growth rate, ito ay naibaba sa 1.72-percent sa nakalipas na 2015.

Ipinaliwanag ni Commission on Population Executive Director Juan Antonio Perez III na ang kasalukuyang populasyon ng bansa na 100.98 Million ay higit na mababa ng kalahating milyon kumpara sa kanilang projection noong 2010.

Ang nasabing pagbaba sa bilang ng mga ipinapanganak na mga Pinoy ay dahil sa pagdami ng mga available na contraceptives.

Noong 2013 ayon sa record ng pamahalaan ay 38-percent lamang sa bilang ng mga mag-asawa ang gumagamit ng artificial contraceptives.

Para sa taong 2015 ay tumaas ito sa 45-percent dahil sa kampanya ng gobyerno partikular na ng Department of Health na makontrol ang paglago ng populasyon ng mga Pinoy.

Read more...