Globe nakaharang ng 140,000 smishing messages noong Pebrero – Marso
Umabot sa 142,575 smishing messages ang naharang ng Globe noong buwan ng Pebrero at Marso ngayon taon.
Patunay na epektibo ang kanilang proactive filter system para hindi maikalat ang mga mensahe ng panloloko lamang.
Bukod dito ang pagpapagana ng reporting channels at pagpapalakas pa ng security tools para madagdagan pa ang pamamaraan ng pagdetermina at pagharang ng mga ilegal text messages at web blaster devices.
Sinasabayan pa ito ng aktibong information campaign para paalahanan ang kanilang subscribers ukol sa mga scams at panloloko.
“Smishing occurs mainly through mobile text messaging in which scammers attempt to mislead victims into giving away their personal data. Scammers then use this data to take over a victim’s financial accounts,” ani Anton Bonifacio , Globe Chief Information Security Officer.
Sinabi pa nito na patuloy din silang nakikipagtulungan sa gobyerno, partikular na sab anta sa intelligence sharing initiatives, awareness campaigns sa pamamagitan ng SMS, website at social media channels para regular na updated ang publiko ukol sa mga fraud at scams.
Noong nakaraang taon, umabot sa 1.15 bilyong scam at spam messages ang naharang ng Globe.
Bukod pa dito ang pagharang sa 7,000 mobile numbers na iniuugnay sa scammers at 2,000 unofficial social media accounts at phishing sites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.