MPC tikom muna sa planong isama ang bloggers sa Palace briefings

By Chona Yu June 02, 2022 - 08:51 AM

Photo credit: Sen. Bong Go

Hindi na muna nagbigay ng pahayag ang Malacañang Press Corps  (MPC) sa balakin na bigyan ng akreditasyon ang bloggers sa mga magiging coverages sa administrasyong-Bongbong Marcos Jr.

Unang inanunsiyo ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Trixie Angeles ang balak niya na i-accredit ang bloggers sa mga Palace briefings.

Sa inilabas na pahayag ng MPC, maglalabas na lamang sila ng komento kapag natuloy at naglabas na ng guidelines si Angeles.

“The Malacañang Press Corps will defer comment on the matter until the details of the proposed policy are threshed out by the incoming PCOO leadership,” ang pahayag ng MPC.

Ang mga bloggers ay walang sinusunod na code of ethics at wala din employer hindi katulad ng mga lehitimong mamahayag.

TAGS: malacanang press corps, MPC, Palace briefings, malacanang press corps, MPC, Palace briefings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.