SP Tito Sotto, hiniling na mapanatili ang ‘integrity and independence’ ng Senado

By Jan Escosio June 02, 2022 - 08:30 AM

SENATE PRIB PHOTO

Isinara na sa bahagi ng Senado ang third and final session ng 18th Congress at naging tampok ang walong ‘graduating senators’ sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III.

Sa kanyang talumpati, hiniling ni Sotto sa mga magsisilbing senador sa 19th Congress na panatilihin ang integridad ng Senado.

Hiwa-hiwalay na resolusyon ang inihain para papurihan ang nagawa nina Sotto, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Frank Drilon, Sens. Panfilo Lacson, Leila de Lima, Kiko Pangilinan, Richard Gordon at Manny Pacquiao.

Napagsilbihan na nina Sotto at Drilon ang 12 taon sa Senado, samantalang kumandidato at nabigo naman sa nakalipas na presidential race sina Lacson at Pacquiao.

Si Pangilinan ay nabigo naman sa kanyang vice presidential bid at hindi din muling naihalal sina de Lima at Gordon.

Samantala, magbabalik naman si Recto sa Mababang Kapulungan bilang isa sa mga kinatawan ng Batangas.

Magsisimula ang 19th Congress sa Hulyo 25 kasabay nang pagbabalik sa Senado ng mga nahalal na sina Francis Escudero, Allan Peter Cayetano, Risa Hontiveros, Loren Legarda, JV Ejercito, at Jinggoy Estrada.

Makakasama nila ang mga bagito na sina Sens. Robin Padilla, Raffy Tulfo at Mark Villar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.