Iprinotesta ng Department of Fofreign Affairs (DFA) ang pagpapatupad ng China ng higit tatlong buwan na fishing moratorium sa ilang bahagi ng South China Sea at West Philippine Sea.
Sa inihain diplomatic protest ng Pilipinas na may petsang Mayo 30, ipinaalala na sinakop ng moratorium ang bahagi ng West Philippine Sea, kung saan may sobereniya at hurisdiksyon ang Pilipinas.
Tatagal ang bisa ng moratorium hanggang sa darating na Agosto 16.
Sa protesta, binanggit din ang desisyon ng International Arbitration Tribunal noong 2016 na pumabor sa Pilipinas.
Iginiit din sa protesta na taon-taon na lamang nagdedeklara ng fishing moratorium ang China at sinasakop maging ang hindi na nito teritoryo.
Nanawagan din ang Pilipinas sa China na tumupad sa mga obligasyon sa ilalim ng pandaigdigang batas, partikular na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), maging ang desisyon ng International Arbitration Tribunal.