Uupong Budget Sec. Mina Pangandaman, ‘best woman’ sa puwesto

Bibitbitin ni Bangko Sentral ng Pilipinas Assistant Governor Amenah Pangandaman ang malawak na karanasan at kahusayan sa Department of Budget and Management (DBM).

Pinili ni President-elect Bongbong Marcos Jr., si Pangandaman bilang kanyang Budget secretary.

Ito ay labis na ikinalugod naman ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance.

“Napakahaba na ng karanasan ni Pangandaman sa legislature at executive branches, kaya natutuwa akong makatuwang namin siyang muli sap ag-aaral sa 2023 national budget sa mga darating na araw,” sabi ng senador.

Una nang nagsilbi si Pangandaman bilang chief of staff ni dating Senate President Edgardo J. Angara bago naging isa sa mga nasa ‘core group’ ni Sen. Loren Legarda.

Nagsilbi din siyang undersecretary sa DBM sa ilalim ni Sec. Ben Diokno sa unang bahagi ng administrasyong-Duterte, kung kalian ay isinulong na niya ang ‘budget reforms’ at ang paghahanda at pagbabantay sa General Appropriations Act.

Sa pagtanggap sa kanyang nominasyon, tiniyak ni Pangandaman na magiging maayos ang pangangasiwa sa pondo ng bansa para mas mapabilis at mapagtibay pa ang muling pagpapasigla sa ekonomiya ng bansa.

Nagtapos ng kursong Economics sa Far Eastern University, mayroon din siyang diploma at master’s degree in Development Economics mula sa University of the Philippines (UP) at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Executive Master of Public Administration sa London School of Economics.

Read more...