Security team ni Duterte sinasanay na ng PSG

duterte4
Inquirer file photo

Mayroon na umanong ihinahandang security plan ang incoming Presidential Security Group (PSG) Commander para kay incoming President Rodrigo Duterte.

Maliban dito, ayon kay Philippine Army Col. Rolando Bautista sa ngayon ay mayroon na rin na mga pulis mula Davao City ang sinasanay ng PSG para sa pagtutok sa seguridad ni Duterte

Nais kasi ni Duterte na mga taga Davao ang kanyang maging closed-in security.

Samantala, papalit kay Bautista bilang 104th Brigade Commander si Col. Cirilo Donato na kasalukuyang naka- base sa lalawigan ng Basilan.

Nauna nang na ring nagpadala ng dagdag na pwersa ang PNP sa Davao City para sa seguridad ni Duterte at ng kanyang pamilya.

Read more...