Ibinahagi ng Quezon City Cares at Globaltech Mobile Online na may impormasyon na ang idineklarang nanalo, ang Lucent Gaming and Entertainment, ay walang sapat na pondo at kapos ang kakayahan na patakbuhin ang operasyon ng STL.
Kinukumpirma rin na si Ronald Pagulayan, ang nagmamay-ari ng Lucent Gaming, ay isang ‘one person corporation (OPC) at kaanak diumano ni PCSO Gen. Manager Royina Garma.’
Ilang personalidad din ang itinuro na tunay na naglalabas ng pondo para sa pinansiyal na pangangailangan sa operasyon ng STL.
Diin ng QC Cares, maituturing na paglabag ito sa batas dahil ito ay ‘subcontracting’ na ipinagbabawal sa Revised Implementing Rules and Regulations ng PCSO.
Hiling ng dalawang grupo na bawiin ang pahintulot at kapangyarihan na ibinigay sa Lucent Gaming para sa operasyon ng STL sa Quezon City dahil sa nabanggit na mga kadahilanan.
Nagagamit anila ang STL para mabalewala ang kampaniya ni Quezon City Police District Dir, Brig. Gen. Remus Medina laban sa lahat ng uri ng sugal.