Akreditasyon ng vloggers, bibigyang prayoridad para makapag-cover ng mga press briefing sa Palasyo
Bibigyang prayoridad ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Angeles ang akreditasyon ng mga vlogger na makapag-cover sa mga press briefing sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Angeles na pinag-aaralan nilang maimbitahan ang mga vlogger, lalo na sa mga press briefing ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Isa hanggang dalawang beses na press briefing sa loob ng isang linggo ang target na gawin ni Angeles.
Pero ayon kay Angeles, depende pa ito kung may mahahalagang anunsyo ang Palasyo.
Samantala, gusto munang pag-aralan o rebyuhin ni Angeles ang kasalukuyang patakaran sa physical coverage sa Malakanyang.
Sa ngayon, wala pang pinapayagang media na makapasok muli sa Palasyo para mag-cover at hindi pa rin pinababalik sa press working area sa new executive building.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.