Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa apat na lugar sa National Capital Region (NCR).
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na kabilang dito sa Malabon, Marikina, Muntinlupa, at Pateros.
Umabot sa 63 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila noong Martes, Mayo 31.
Sa nasabing bilang, 13 bagong COVID-19 cases ang naitala sa Quezon City, siyam sa Makati, walo sa Maynila, habang tig-anim naman sa Caloocan at Mandaluyong.
Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Las Piñas (4)
– City of Parañaque (4)
– City of Pasig (3)
– Pasay City (3)
– Taguig City (3)
– City of Valenzuela (2)
– City of Navotas (1)
– City of San Juan (1)
MOST READ
LATEST STORIES