Marcoleta, itinalaga ni President-elect Marcos Jr. bilang susunod na DOE Secretary

Photo credit: Rep. Rodante Marcoleta/Facebook

May napili na si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susunod na kalihim ng Department of Energy.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni incoming Presidential Communications Operations Office Secretary Trixie Angeles na ito ay si Congressman Rodante Marcoleta.

Pero ayon kay Angeles, hindi pa naman pinal ang desisyon sa pagtatalaga kay Marcoleta.

Napipisil naman aniya ni Marcos sina Rigoberto Tiglao at Attorney Karen Jimeno bilang Presidential spokesperson.

Maging ang iba pang ahensya ng gobyerno ay pinag-aaralan pa ni Marcos kung sino ang mga ilalagay na kalihim.

Ayon kay Angeles, maingat si Marcos sa pagpili gaya halimbawa sa Department of Agriculture.

Marami na aniya ang nagsumite ng aplikasyon kay Marcos.

Ilan pa sa mga lumulutang ang pangalan para mailagay naman sa Department of Transportation ay sina testing czar Vince Dizon at DPWH Secretary Rogelio Singson.

Read more...