Ibinahagi ni Senator Cynthia Villar na binawi na niya ang interes na pamunuan ang Senado sa pagpasok ng 19th Congress.
Sa panayam, sinabi ni Villar na umatras na siya at nagpaubaya kay Majority Juan Miguel Zubiri, na nais maging Senate President, pagpasok ng administrasyong Bongbong Marcos.
Idinahilan na lamang ng senadora na nais niya ng tahimik at simpleng pagtatrabaho.
JUST IN: Sen. @Cynthia_Villar hindi na interesado sa SP race.
Aniya, nais niya ng tahimik na buhay at nais lamang niyang manatili ang kaniyang committees; agriculture and natural resources | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/XODDnNC8Hq
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 1, 2022
Nabanggit din ng senadora na batid niya na ‘maaalagaan’ naman ang mga sumusuporta sa kanyang kapwa-senador.
Aniya, Miyerkules ng umaga (Hunyo 1) lamang sila nagkausap ni Zubiri ukol sa kanyang desisyon.
Sinabi nito na nais lamang niyang mapanatili ang pamumuno sa Committees on Agriculture at Environment and Natural Resources.