WATCH: Villar, nagpaubaya kay Zubiri sa Senate presidency

By Jan Escosio June 01, 2022 - 12:29 PM

Photo credit: Sen. Cynthia Villar/Facebook

Ibinahagi ni Senator Cynthia Villar na binawi na niya ang interes na pamunuan ang Senado sa pagpasok ng 19th Congress.

Sa panayam, sinabi ni Villar na umatras na siya at nagpaubaya kay Majority Juan Miguel Zubiri, na nais maging Senate President, pagpasok ng administrasyong Bongbong Marcos.

Idinahilan na lamang ng senadora na nais niya ng tahimik at simpleng pagtatrabaho.

Nabanggit din ng senadora na batid niya na ‘maaalagaan’ naman ang mga sumusuporta sa kanyang kapwa-senador.

Aniya, Miyerkules ng umaga (Hunyo 1) lamang sila nagkausap ni Zubiri ukol sa kanyang desisyon.

Sinabi nito na nais lamang niyang mapanatili ang pamumuno sa Committees on Agriculture at Environment and Natural Resources.

TAGS: cynthia villar, InquirerNews, Juan Miguel Zubiri, Migz Zubiri, RadyoInquirerNews, SenatePresidency, cynthia villar, InquirerNews, Juan Miguel Zubiri, Migz Zubiri, RadyoInquirerNews, SenatePresidency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.