Wala pang pinal na desisyon kung saan idadaos ang inagurasyon ni President-elect Marcos Jr. – Cruz-Angeles

By Angellic Jordan June 01, 2022 - 11:41 AM

Screengrab from Atty. Vic Rodriguez’s FB video

Inihayag ni incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na wala pang pinal na desisyon kung saan idadaos ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Cruz-Angeles na isa ang Quirino Grandstand sa mga lugar na pinagpipilian kung saan gaganapin ang inagurasyon.

“Wala pa po. Of course, as mentioned, tinitignan naman po talaga ang Quirino Grandstand bilang isa sa mga posibleng venue para sa inauguration pero wala pa pong final at wala pa po tayong mga detalye tungkol doon,” pahayag nito.

Dagdag nito, “Pangako ko lang ay, as soon as ma-finalize ang mga plano, ire-release namin sa publiko.”

Nauna nang inihayag ni Senadora Imee Marcos na kabilang din sa mga lugar na maaring gawing venue para sa inagurasyon ng kaniyang kapatid ang Rizal Park at Fort Santiago sa Lungsod ng Maynila.

TAGS: BBMadmin, bongbong marcos, Bongbong Marcos inauguration, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, Trixie Cruz-Angeles, BBMadmin, bongbong marcos, Bongbong Marcos inauguration, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, Trixie Cruz-Angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.