WATCH: BRP Melchora Aquino, dumating na sa bansa

By Chona Yu June 01, 2022 - 11:15 AM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Dumating na sa bansa ang BRP Melchora Aquino, ang pinakabagong barko ng Philippine Coast Guard.

Mayo 27 nang maglayag ang barko mula sa Japan.

9:00, Miyerkules ng umaga (Hunyo 1), nang dumating ang barko at mainit namang sinalubong ng mga tauhan ng PCG.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo, ang MRRV-9702 ay kinomisyon bilang BRP Melchora Aquino at ikalawang 97-meter MRRV ng PCG.

Gagamitin aniya ang barko sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea, Benham Rise, pagresponde sa mga kalamidad at pagpapatrolya sa karagatan at iba pa.

Sinabi pa ni Balilo na kaya pinangalanan ang barko na Melchora Aquino bilang pagkilala sa naturang bayani, maging sa mga kababaihan sa bansa.

Una rito, bahagi na ng PCG ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).

TAGS: Armand Balilo, BRP Melchora Aquino, BRP Teresa Magbanua, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, Armand Balilo, BRP Melchora Aquino, BRP Teresa Magbanua, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.