Sa isang memorandum na pirmado ni BIR Commissioner Caesar Dulay, nakasaad na suspendido muna lahat ng field auditing at iba pang operations ng ahensya na may kaugnayan sa examinations at verifications ng taxpayers’ books of account, records, at iba pang transaksyon.
Dahil rito, hindi muna pwedeng magsagawa ng imbestigasyon ang BIR field personnels patungkol sa internal revenue tax liabilities.
Maliban na lang kung ito ay may kaugnayan sa pagproseso o verification ng estate tax returns, donor’s tax returns, capital gains tax returns at withholding tax returns kaugnay sa pagbebenta ng real properties o shares ng stocks o hindi kaya naman ay auditing ng National Government Agencies (NGAs), Local Government Units at Government Owned and Controlled Corporations.
Nilinaw naman sa memorandum ni Dulay na pwede pa ring magbayad ng kanilang tax deficiency ang isang tax payer na hindi na kailangang humingi ng authority mula sa BIR.