LPA sa bahagi ng Romblon, posibleng malusaw mamayang gabi
Malabo pa ring lumakas ang umiiral na low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, huling namataan ang LPA sa layong 70 kilometers South Southeast ng Romblon, Romblon.
Posible aniyang malusaw ang LPA sa Martes ng gabi, Mayo 31, o Miyerkules ng umaga, Hunyo 1.
Gayunman, magdadala pa rin ang weather system ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas, Bicol region, at ilang bahagi ng Samar.
Ani Badrina, maaring bumuti na ang lagay ng panahon sa mga nabanggit na lugar sa Miyerkules.
Samantala, sinabi rin ni Badrina na mahina ang pag-iral ng hanging Habagat kung kaya’t hindi ito nakakaapekto sa anumang parte ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.