Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sara Lou Arriola na humihingi ng repatriation ang mga Filipino dahil sa nararanasang economic crisis sa Sri Lanka.
Nasa 492 na Filipino aniya ang nasa Sri Lanka kung saan kalahati sa naturang bilang ang nakapag-asawa ng Sri Lankan, habang nasa 47 ang engineers at ang iba ay miyembro ng Association of Filipinos in Sri Lanka.
Sa ngayon, wala naman aniyang natatanggap na ulat ang DFA na mayroong Filipino ang nadamay sa gulo sa Sri Lanka.
Umaaray na aniya ang mga Filipino sa Sri Lanka dahil sa inflation o masyadong mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Pero ayon kay Arriola, unti-unti nang humuhupa ang tensyon sa Sri Lanka at unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay roon.
Nagdeklara ang Sri lanka ng state of emergency noong Abril dahil sa matinding economic crisis.