WATCH: Kampo nina Sen. Migz Zubiri at Cynthia Villar, mag-uusap para sa iuupong Senate President

Photo credit: Sen. Migz Zubiri & Sen. Cynthia Villar/Facebook

Ibinahagi ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mag-uusap ang kampo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Cynthia Villar kaugnay sa isyu ukol sa pamumuno sa Senado.

Kapwa interesado sina Zubiri at Villar na mailuklok na Senate President kasabay nang pagpasok ng administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Tinukoy ni dela Rosa na ‘Seatmates’ ang kampo ni Zubiri, samantalang sila naman ay sumusuporta kay ‘Mama Bear,’ ang taguri kay Villar sa Senado.

Pag-amin ni dela Rosa, walo pa lamang sila at ito ay si Villar, Senators-elect Mark Villar at Robin Padilla, Sens. Christopher ‘Bong’ Go, Francis Tolentino, Imee Marcos at Bong Revilla.

Samantala, sinasabi namang 12 senador ang nasa panig ni Zubiri.

Nabanggit din ni dela Rosa na bukas si Villar sa ‘term sharing agreement’ sa pamumuno sa Senado, ngunit may ilan naman sa mga nasa kampo ni Zubiri ang hindi pabor sa nabanggit na kasunduan.

Narito ang bahagi ng pahayag ni dela Rosa:

Ayon pa kay dela Rosa:

Read more...